Lunes, Nobyembre 7, 2016

Repleksyon

 "ANG HINDI MAGMAHAL SA SARILING WIKA AY HIGIT PA SA HAYOP AT MALANSANG ISDA "
   - Dr. Jose Rizal

         Isang kataga ang hanggang ngayon ay namamalagi parin sa mga isipan ng mamamayan. Katagang patungkol sa pagpapahalaga sa sariling wika.Kahit na maraming salitang banyaga tayong alam,huwag parin nating talikuran ang sarili nating wika. Dahil hanggang sa kasalukuyan,wikang filipino pa din ang ating ginagamit.
          Maaaring iugnay ang istorya ni Miss Phathupats sa katagang binanggit ni Rizal. Si Miss Phathupats ay nakapag-aral at natuto ng ibang wika subalit kinalimutan ang wikang kanyang pinagmulan. Mayroong makukuhang aral dito sa istoryang ito. Kailangan nating maging isang matalino subalit huwag tayong makalimot sa ating pinagmulan.
           Kahit ano pa man ang ating marating at makamit sa buhay huwag tayong maging mataas. Huwag makalimot sa kung saan ang ating pinagmulan at kung saan tayo nagmula. Hindi masama ang umunlad, subalit dapat sa pagunlad natin, isaisip parin natin kung saan tayo nagsimula. Kaya mahalin at pahalagahan ang sarili nating wika.

Buod ( Miss Phathupats )

Miss Phathupats

     Si yeyeng ay sinasabing ipinanganak lamang na mahirap sa lugar ng Pampangga . Siya ay isang dalagang nagtitinda lamang ng bitso sa isang paaralan na may isang gurong amerikanong kawal na ipinagpilitan na siya ay magaral pagkatapos ay magtuturo. Tinawag siyang Miss Phathupats sa kadahilanang, nung natuto siya ng wikang ingles at naging isang guro sinabi niya na hindi na siya maalam magsalita ng kapampangan. Maraming araw ang lumipas kinuha siya bilang isang panauhin at doon siya nagsalita ng wikang ingles at sinabing muli na hindi na siya sanay magbasa at magsalita na parang naninigas ang kanyang dila. Kaya naman sa asal niyang iyon, maraming guro ang tila pinagtawanan siya at dahil sa pangyayaring yun siya nagmura at muli nyang ginamit ang kapampangan. Subalit patuloy parin siyang pinagtatawanan ng mga ito kahit na tumutulo na ang mga luha niya, dahil dito pagkapunas niya ng kanyang luha nadala din ang pulbos niya sa mukha. Nakita ng mga tagapakinig ang tunay na kulay kaya naman binansagan siyang Amerikanong negra. Nagpatuloy parin ang pagtatawanan sa kanya hanggang sa hindi na niya napigilan at siya ay umalis na lang na nagkakandarapa at nagpaalam din ang tao kay Bb. Alice Roosevelt "Paalam Bb. Phathupats"